Unang misa, ipinagdiwang sa nasunog na Notre Dame Cathedral sa France

Paris, FranceMagsasagawa ng unang misa ngayong weekend ang Notre-Dame Cathedral matapos masunog ang simbahan noong Abril.

Ang misa ay pangungunahan ni Paris Archbishop Michel Aupetit.

Gaganapin ito sa side chapel at limitado lamang ang pwedeng dumalo dahil na rin sa seguridad.


Nasa 20 katao lamang ang inaasahang makikibahagi, kabilang ang ilang kaparian at obispo mula sa cathedral.

Ang misa ay isasahimpapawid ng French Television Channel upang mapanood ito ng lahat ng Kristiyano sa buong France.

Nabatid na tiniyak ni French President Emmanuel Macron na maisaayos ang cathedral sa loob ng limang taon.

Facebook Comments