UNANG PAGKIKITA | P-Duterte at VP Leni Robredo, kapwa pangungunahan ang graduation ceremony ng PMA class of 2018 ngayong araw

95

Manila, Philippines – Kapwa pangungunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at
Vice President Leni Robredo ang graduation ceremony ng Philippine Military
Academy (PMA) sa Baguio City ngayong araw.

Si Pangulong Duterte ang maggagawad ng presidential saber kay PMA Alab Tala
(alagad ng lahing binigkis ng tapang at lakas) class of 2018 valedictorian
cadet first class Jaywardene Galilea Hontoria.

Habang si VP Robredo naman ang magbibigay ng vice presidential saber kay
class salutatorian cadet first class Ricardo Witawit Liwaden.

Nabatid na ito ang unang pagkikita ngayong taon ng dalawang pinakamataas na
lider ng bansa.

Hindi na kasi nagkakasama ang dalawa sa mga public event matapos na
magbitiw sa gabinete si Robredo noong 2016.

Facebook Comments