Unang paglilitis sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy, itinakda ng Pasig RTC sa Oktubre 20, 2024

Itinakda ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 sa sala ni Presiding Judge Hon. Rainelda Estacio-Montesa na sa Oktubre 20, 2024 ang unang pagdinig sa unang paglilitis sa kaso at inaasahan pa ring haharap sa Korte personal si Pastor Apollo Quiboloy.

Una rito naghain kahapon ng “Not Guilty” ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa kasong Qualified Human Trafficking sa Pasig City RTC Branch 159.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon na siyang Legal Counsel ni Pastor Quiboloy ang paghahain ng Not Guilty Plea ay matapos ang isinagawang Arraignment kahapon ng umaga.


Pero tumanggi nang magbigay ng iba pang detalye si Atty. Torreon bilang paggalang na rin sa kapangyarihan ng Korte bilang ang kaso ay narito na.

Facebook Comments