Unang phase ng bike lane project, minamadali na ng QC LGU

Inaapura na ng Quezon City Government ang pagtapos sa unang phase ng Bike Lane Network project.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, target nila na matapos at magamit ang bike lane sa susunod na buwan ng Hulyo.

Ang first phase ay isang short-term development na isasama sa improvement at repair ng kasalukuyang bike lanes, at paglalagay ng pansamantala at semi-permanent traffic separation devices.


Hiniling na ng lady mayor sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ipatupad ang programa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na isang national government highway.

Binabalangkas na rin ng city government ang isang ordinansa na susuporta sa bike lane program, at magbibigay proteksyon at suporta para sa cycling community.

Plano pa ng lokal na pamahalaan na maglagay ng permanent bike lane routes sa lungsod na pangmatagalang gamitin.

Facebook Comments