UNANG PHASE NG ROAD PROJECTS SA DAGUPAN CITY, NAPIPINTO NA ANG PAGTATAPOS

Napipinto na ang pagtatapos ng unang phase ng road project na pagpapataas ng kalsadahan at pagpapalaki ng drainage ng ahensyang Department of Public Works and Highways o DPWH sa Dagupan City, partikular sa kahabaan ng AB Fernandez East Avenue.
Nasa 95% na ang konstruksyon ng isinasaayos na nasabing kalsadahan at naumpisahan na rin ang karugtong na phase nito.
Nakapaglagay na rin ng mga kinakailangang signages na pang-abiso sa publiko, maging mga ilang pang kagamitan sa pagpapatuloy ng nasabing proyekto.

Matatandaan na naging mainit na talakayin ang isinasagawang proyekto ng DPWH sa Dagupan City bagamat isang dahilan sa pag-umpisa nito – pinaniniwalaang makatutulong umano upang maibsan ang problemang pagbaha sa lungsod.
Samantala, ang mga kasunod na phase na Perez Blvd. at MH Del Pilar Street ay nakatanggap na rin ng Notice to Proceed o NTP, at sa anumang oras ay maaari nang maumpsiahan ang kaparehas na proyekto. |ifmnews
Facebook Comments