UNANG POSITIBONG KASO NG COVID19 SA STA. MARIA PANGASINAN, NAITALA MATAPOS MAGPOSITIBO SA MASS TESTING NG BAYAN

STA. MARIA, PANGASINAN – Naitala kahapon ng Bayan ng Sta. Maria, Pangasinan ang kauna-unahan nitong kaso ng COVID-19 matapos ang isinagawang mass testing nito lamang June 1. Ang unang positibong kaso ay mula sa Brgy. Paitan sa nasabing bayan na may travel history galing ng Quezon City. Sa kasalukuyang naka isolate na ang nasabing pasyente sa quarantine facility ng Pangasinan Provincial Hospital upang mabigyan ng atensyong medikal.

Puspusan na din ang ginagawang contact tracing ng lokal na pamahalaan sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng pasyente. Isinailalim din sa total lockdown ang mga Brgy. Paitan, Cauplasan at Samon bilang paniniguro na mapigilan ang pagkalat ng virus.

Samantala, nakiusap naman ang alkade ng Sta. Maria, Pangasinan sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa umiiral na alintunting itinakda ng IATF-EID ngayong nasa general community quarantine (GCQ) pa rin ang buong lalawigan.


Facebook Comments