Unang preliminary investigation sa kaso ni Mayor Alice Guo at iba pang nahaharap sa qualified trafficking, aarangkada na bukas -DOJ

Isasagawa na bukas ng Department of Justice (DOJ) ang unang preliminary investigation kaugnay sa kaso ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pang kinasuhan ng qualified trafficking.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, walang makakaligtas sa imbestigasyon lalo na kung matibay naman ang mga ebidensiyang inihain.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at ng Criminal Investigation and Detection Group sa DOJ noong June 21.


Inaakusahan sina Guo at 13 pang respondents na sangkot sa operasyon ng Zun Yuan Technology na dating Hongshen Technology na pawang mga POGO hubs na sangkot sa forced labor, human trafficking, online fraud at investment scams.

Alam umano ng mga respondent ang nangyayaring iligal na aktibidad sa loob ng Baofu compound kaya sila kinasuhan.

Facebook Comments