UNANG RONDA NG LIBRENG SAKAY NG IFM DAGUPAN, INUMPISAHAN NA

Dahil sa walang sawang suporta at pagmamahal niyo sa IFM Dagupan mga idol, inumpisahan na ang Libreng Sakay kahapon September 20, Miyerkules kung kaya’t labis na ikinatuwa ng mga idols mula sa Calasiao hanggang Dagupan ang nasabing aktibidad.
Hindi lang sila nakalibre bagkus ay nakatanggap pa sila ng cash prizes at grocery packs hatid ng ACS Charm Fabric Conditioner kalakip nito ang simpleng pa games na pinangunahan ng inyong mga lingkod, Idol John Caranto, Idol Joana De Vera at Idol Rika Rakista.
Abangan pa ngayong araw ng Huwebes, September 21 ang huling ronda ng Libreng sakay sa rutang Calasiao-Dagupan. Nalibre ka pa, may chance ka pang manalo ng grocery at cash prizes mula sa ACS Charm Fabconditioner, Damit ay may bangong kaBLOOM! Kaya abangan, mula rito sa IFM DAGUPAN, #tatakIFM |ifmnews

Facebook Comments