Simple lang ang magiging unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa July 25.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, hiniling ng Palasyo ng Malacañang na simple at tradisyunal lang ang gaganaping SONA sa Lunes.
Mismo aniya ang pangulo rin ay nais ng simple at hindi glamorosong SONA kaya asahan na pareho ang magiging set-up tulad sa mga naunang SONA ng nakaraang administrasyon.
Tiniyak naman ni Mendoza na “all set” na ang Kamara para sa SONA mula sa security preparation, pagpapadala ng imbitasyon at mga ‘last minute’ na pag-aayos.
Samantala, sa 1,360 na mga pinadalhan ng imbitasyon ay nasa 70% hanggang 80% na ang nagkumpirmang dadalo sa SONA.
Inaasahang dadalo sa SONA ang mga dating pangulo at pangalawang pangulo ng bansa, mga diplomatic corps, cabinet members, governors, justices at iba pang mga VIP.
Pagdating naman sa ‘refreshment’ posibleng ‘cocktail’ lang ang ihanda pagkatapos na ng SONA dahil karaniwan aniyang pagdating ng mga bisita ay diretso ang mga ito sa plenaryo at umaalis na rin agad pagkatapos ng event.