Unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, nagsilbing pasulyap sa kung anong aasahan nila sa gobyerno

Handa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio at ang Office of the Vice President na makipagtulungan kasama ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkamit ng mga layunin ng administrasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte-Capio na ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marocs ay nagbigay sa mga Pilipino ng pasulyap sa kung anong aasahan nila sa goyberno.

Pinuri rin nito ang pagpapatuloy ng Marcos administration sa mga proyekto sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang tatay at dating pangulo na si Rodrigo Duterte.


Bilang kalihim naman ng Edukasyon ay pagtutuunan naman nito ang implementasyon ng Basic Education Plan 2030 na isang pangmatagalang solusyon sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa learning outcomes ng mga kabataan.

Ikinatuwa din ni Duterte-Carpio ang nakita ng pangulo ang kahalagahan ng mga programa ng OVP na layong tugunan ang mga pangangailangan ng marginalized sectors.

Facebook Comments