Unang tatlong araw na pagbubukas ng mga sementeryo sa Pasig City, naging mapayapa

37

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na naging mapayapa ang unang tatlong araw na pagbubukas ng mga semeteryo ngayong Undas.

Ayon sa alkalde, pektibo ang ipinatupad na Barangay Coding sa mga sementeryo, kolumbaryo, at memorial park ng lungsod.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang alkalde sa mga residente nito sa pakikiisa at pagsunod ng mga alituntunin na ipinatupad kaugnay sa pagdiriwang ng Undas.

Bilang pagsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF), nakasara ngayon hanggang November 4 sa publiko ang lahat ng sementeryo sa lungsod upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa panahon ng Undas.

Muling magbubukas sa publiko ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod sa November 5 hanggang November 7.

Facebook Comments