
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang unang vin d’honneur ngayong 2026 kasama ang Papal Nuncio na si Charles John Brown at mga kinatawan ng diplomatic corps.
Ang vin d’honneur ay isang taunang pagtitipon ng mga dayuhang diplomat tuwing Bagong Taon at Araw ng Kalayaan bilang simbolo ng ugnayan ng Pilipinas at ng ibang bansa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na papasok ang bansa sa 2026 na may pag-asa at matibay na paninindigan, sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya, seguridad, klima, at teknolohiya sa buong mundo.
Binigyang-diin niya na patuloy na pinapalakas ng Pilipinas ang ugnayang panlabas sa pamamagitan ng independent foreign policy, kabilang ang pagbubukas ng mga bagong embahada at konsulado upang mas mapalapit ang serbisyo sa mga Pilipinong nasa abroad.
Ayon pa sa Pangulo, mahalaga ang taong ito dahil pamumunuan ng Pilipinas ang ASEAN.
Tututok ang bansa sa kapayapaan at seguridad, pagpapalakas ng ekonomiya, at mga programang direktang makikinabang ang mamamayan, gaya ng digital services, renewable energy, food security, at pagtugon sa climate change.
Binanggit din ni Pangulong Marcos ang kampanya ng Pilipinas para sa puwesto sa United Nations Security Council para sa 2027–2028, kung saan igigiit ng bansa ang pagsunod sa international law, mapayapang pagresolba ng sigalot, at proteksyon sa mga sibilyan.










