Thailand – Kahit papaano ay hindi uuwing bokya ang Pilipinas sa 2018 Thailand Open International Boxing Tournament na ginanap sa Bangkok.
Nakuha kasi ni Carlo Paalam ang gintong medalya sa men’s light flyweight via unanimous 5-0 decision kontra Ahmadisafa Omid ng Iran.
Hindi pinaporma ni Paalam ang Iranian fighter dahil sa opening round pa lamang ay pinatikim na niya agad ang katunggali ng mga matitinding kombinasyon.
Bukod sa ginto, mag-uuwi rin ng $1,500 na premyo si Paalam.
Nakontento naman sa silver medal si James Palicte matapos matalo kay Anu Seetep ng Thailand sa finals ng men’s lightweight division.
Facebook Comments