Manila, Philippines – Ibinasura ng Supreme Court ang petisyong nagpapatigil sa Kamara at Senado na amyendahan ang 1987 constitution.
Ayon kay SC spokesman Theodore Te – unanimous ang desisyon ng mga mahistrado para i-dismiss ang Petition for Declaratory Relief na inihain ng law professor na si Arturo De Castro.
Aniya walang original jurisdiction ang SC sa mga declaratory relief actions kung saan tanging ang regional trial courts lang ang may sakop nito.
Batay sa petisyon ni Castro, humiling ito sa Kataas-Taasang Hukuman na mamagitan sa kongreso para maiwasan ang posibleng constitutional crisis na magreresulta ng panibagong people power revolution o pagtatatag ng revolutionary government.
Facebook Comments