Kinondena ng National Union of Journalist of the Philippines ang ginagawang “unannounced visit” ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag.
Kasunod ito ng ulat na pagbisita ng isang hindi naka-unipormeng pulis sa private residence ng isang reporter ng GMA News nitong Sabado upang mangamusta kung nakatatanggap ito ng mga pagbabanta.
Sa inilabas na statement ng NUJP, nagpahayag ng pagkabahala ang grupo sa pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag nang wala munang pasabi.
Bagama’t maganda ang hangarin, mainam anila na gawin na lamang ang pakikipag-usap sa newsroom o sa mga press corps, press club at mga organisasyon ng mga journalist sa NCR.
“While the National Capitol Region Police Office’s statement that they would reach outto journalists in the wake of Pethe murder of Percy Lapid is welcome and encouraging, the National Union of Jounalists of the Philippines is concerned at reports of police officers visiting colleagues in their homes and without proper coordination,” saad ng NUJP.
“Assuming good faith, these meetings and dialogues are best done through newsrooms or through the various press corps, press clubs, and journalists’s organizations in the capital.”