UNATTENDED ILLEGAL PARKING, NANGUNGUNA SA TRAFFIC VIOLATION SA DAGUPAN CITY

Nakitaan ng pagtaas sa bilang ng paglabag sa unattended illegal parking sa Dagupan City.

Sa tala ng POSO Dagupan, nakakapagtala ito ng nasa limampu (50) na bilang ng mga naitatalang violators sa isang araw.

Kadalasang lumalabag ay matatagpuan umano sa kahabaan ng Arellano St. sa lungsod kung saan, dumadami ang napapansing pumaparada sa sidewalks.

Giit ng tanggapan, hindi na bago ang illegal parking sa kanila dahil bago pa makakuha ng lisensya ay naibahagi na ang mga kaalamang ito.

Dagdag pa nila, bagamat paulit-ulit ang pagsita, at pagtiket ay paulit-ulit ding ang paglabag ng mga ito.

Samantala, mas pinaigting na Pag-alalay ang isinasagawa ng ahensya dahil sa mga isinasagawang konstruksyon ng kakalsadahan at lalo na ngayong holiday season na inaasahan ang dagsa ng mga tao at mga sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments