Manila, Philippines – Unawain at mahalin ang Pangulo, ito ang sinabi ni Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas kasunod ng mga salitang binitawan ng Pangulo laban sa Diyos.
Ayon sa Arsobispo, posible kasi na marami nang rejection at pasakit ang natanggap ng Pangulo noon kaya’t puro pagkamuhi ang inilalabas niya ngayon.
Payo ng Arsobisbo sa mga mananampalataya, ipagdasal ang Pangulo upang mawala ang poot nito, at upang mapatawad rin ito ng Panginoon.
Aniya, sa kabila ng mga salita ng Pangulo, ngayon mas dapat na maninindigan sa pananampalataya.
Facebook Comments