Unbundling sa produktong petrolyo ng DOE, pinigil ng dalawang korte

Naglabas ng injunction order ang dalawang korte na nagpatigil sa utos ng Department Of Energy (DOE) na unbundling o paghimay ng presyuhan ng produktong petrolyo.

 

Batay sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court (RTC) hindi nagpakita ng sapat na ebidensiya ang DOE para pigilan ang hirit ng Shell na ipatigil ang utos ng unbundling.

 

Habang iginiit naman ng Mandaluyong RTC na dehado ang Petron kung itutuloy ang paghimay sa presyo dahil mabubulgar ang diskarte ng kompanya sa pagbili at pagbenta ng produktong petrolyo.


 

Dahil sa dalawang utos, mabibinbin muna ang utos na himayin ang presyo ng petrolyo.

Facebook Comments