Unconsolidated PUVs, papayagan pa ring makabiyahe sa kanilang mga ruta hanggang April 30 basta’t rehistrado sa LTO

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na papayagan ang mga unconsolidated Public Utility Vehicles (PUV) na makabiyahe sa kanilang mga ruta hanggang April 30, 2024, pero ito ay may kondisyon.

Ito ang nilalaman ng Memorandum Circular 2024-001 ng LTFRB na nagtatakda guidelines para sa period of extension ng consolidation.

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bigyan ng three-month extension ang Industry Consolidation Component ng Public Transport Modernization Program (PTMP).


Sa tatlong pahinang memo, naka-saad dito na papayagan pa rin makabiyahe ang mga unconsolidated individual operator sa kondisyong rehistrado sila sa Land Transportation Office at mayroong valid Personal Passenger Accident Insurance Coverage.

Nakapaloob din sa guidelines na lahat ng applications para sa consolidation ay dapat nakasunod pa rin sa mga documentary requirements at procedures sa ilalim ng naunang inisyu na MC 2023-050.

Facebook Comments