Uncontrollable hike sa premium rates, posibleng mangyari kasabay ng pagpapatupad ng SSS Rationalization Act – FFW

Manila, Philippines – Nangangamba naman ang Federation of Free Workers (FFW) sa posibleng negatibong epekto ng bagong lagdang SSS Rationalization Act.

Ayon kay FFW Vice President Julius Cainglet – maaring magresulta lang ang bagong batas ng hindi makontrol na pagtaas sa premium rates sa Social Security System (SSS) na binabayaran ng mga empleyado.

Sinabi pa ni Cainglet na ang batas ay nagbibigay ng full authority sa SSS na magtaas ng premium.


Dagdag pa ni Cainglet – hindi masisigurong maikakatawan ng bagong batas ang mga manggagawa sa SSS commission, ang pinakamataas na policy-making body ng SSS.

Dahil dito, posibleng maging profit-driven business entity ang SSS.

Mungkahi ng FFW, hindi dapat iiwan sa SSS commission ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng bagong batas.

Facebook Comments