UNDAS | 17 truck ng basura nahakot sa Manila North Cemetery

Umakyat sa labing pitong truck ng mga basura ang nahakot sa Manila North Cemetery simula kahapon hanggang ngayon sa paggunito ng All Saints Day at All Soul Day.

Ayon kay Jake Jaring ng Manila Department Public Service ito na umano ang huling hakot nila ng mga basura kung saan umaabot sa 17 truck ang pabalik-balik sa Manila North Cemetery upang maghakot lamang ng mga basura sa loob at labas ng nasabing sementeryo.

Paliwanag ni Jaring isa sa mga dahilan kung bakit marami silang mga basura na nahakot ay dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng mga Pilipino dahil kahit saan nalamang nila itinatapon ang mga basura gayong mayroon namang mga basurahan sa loob ng sementeryo.


Umakyat sa 47,519 ang mga taong dumagsa sa Manila North Cemetery as of 11 A.M at 12 katao lamang ang nakumpiskahan ng kaha ng sigarilyo at flammables materials kung saan ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng ating mga kababayan para dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa naturang sementeryo.

Facebook Comments