Undas 2017 sa Cotabato City, Mapayapa- PNP

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pag oobserba ng Undas ng mga taga Cotabato City. Walang may naitalang major untoward incidents sa mga compound ng apat na sementeryo sa buong syudad sa naging panayam ng DXMY kay Police Senior Inspector Rowell Zafra, Station Commander ng Station 2 .
Matatandaang nagdeploy ng mga kapulisan sa Catholic , Public, Chinese at Malagapas Cemetery para magbigay ng gabay at seguridad base narin sa mandato ni City Director SSupt Rolly Octavio at Mayor Frances Cynthia Guiani.
Samantala sa Marian Hills Memorial Park, bagaman naging matraffic, matapos dagsain ng libo libong mga taga Cotabato City naging kontralado rin ito ng DOS PNP katuwang ang mga elemento ng Joint Task Force Kutawato .

Facebook Comments