UNDAS 2018 | DPWH, handa na sa Lakbay Alalay

35

Tuloy- tuloy na ang ginagawang koordinasyon ng mga DPWH field at regional office sa buong bansa, bilang bahagi ng epektibong pagpapatupad ng Lakbay Alalay ngayong Undas.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, simula alas 7 ng umaga sa Miyerkules (October 31), makikita na ng mga motorista sa mga major roads ang mga team na binuo ng DPWH upang alalayan ang mga ito sa pagbiyahe.

Bukod dito, nagtalaga rin sila ng mga tauhan na ipo-posisyon sa mga kalsada na nasa paligid ng mga sementeryo.

Magkakaroon rin aniya sila ng koordinasyon sa LTO, PNP at mga LGUs upang mas maging epektibo ang kanilang assistance desk.

Ayon sa kalihim, umaasa sila na magiging tulay ang Lakbay Alalay ng DPWH, upang magunita ng maayos at mapayapa ang nalalapit na Undas.

Facebook Comments