Manila, Philippines – Ilulunsad muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ‘Lakbay Alalay’ sa Undas.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar – isa itong motorist assistance program para matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng publiko lalo na sa mga dadalaw sa kanilang mga yumao sa buhay.
Lahat aniya ng DPWH implementing offices ay inatasang magtayo ng assistance centers na pangangasiwaan ng teams na binubuo ng isang anchorman mula sa regional at district o city offices at mechanics.
May naka-stand by ding mga service vehicles sa mga strategic locations para magbigay agarang tulong sa mga motorista at pedestrian.
Ang mga assistance centers ay itatalaga sa mga pangunahing kalsada at tulay simula alas-7:00 ng umaga ng Miyerkules, October 31 hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Lunes, November 4.
Titiyakin din ng maintenance teams ang maayos na national highways lalo na ang mga daanan patungo sa mga public at private cemetery.
Katuwang ng DPWH ang Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGUs) at iba pang kaukulang ahensya.