UNDAS 2018 | Mga sementeryo sa Metro Manila, nag-umpisa nang dumugin ng mga dadalaw

Nagsimula nang magdatingan ang mga dumadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay Daniel Tan, Manila North Cemetery Administrator, umabot na sa mahigit 50,000 ang dumalaw nitong Miyerules at inaasahang mas dadami pa ito ngayong Huwebes hanggang sa weekend.

Sabi ni Tan, maayos nang nakahilera ang public service booths sa loob ng sementeryo.


May mga alok din aniya na wheel chair para sa mga matatanda o may kapansanan.

Samantala, isinara na ang westbound lane ng A. Bonifacio Avenue sa paligid ng Manila North Cemetery mula mayon hanggang Calavite Street para sa mga pedestrian.

Facebook Comments