Mahigit 3,000 mga traffic enforcer ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa paggunita ng Undas.
Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, ikakalat ang kanilang mga tauhan sa Manila North Cemetery sa Maynila, Manila South Cemetery sa Makati, Loyola Memorial sa Marikina, Bagbag Cemetery sa Quezon City, Manila Memorial Park at Loyola Memorial Park sa Parañaque at San Juan Public Cemetery.
Maliban sa mga traffic enforcer, magpapadala rin ang side walk clearing operation team na magbabantay sa nasabing mga sementeryo.
Facebook Comments