Handa na ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga motorista NLEX-SCTEX-Cavitex kaugnay ng paggunita ng Undas.
Simula sa October 26, 28, 31 hanggang November 1, magbubukas ang MPTC ng 28 na toll collection point sa Balintawak toll plaza.
Habang sa Mindanao Avenue., Tarlac at Tipo toll plaza ay magbubukas naman ng 10 hanggang 20 toll collection points.
Maglalagay rin sila ng porta booths at portable toll collections equipment para mapabilis ang waiting time ng mga motorista sa toll plaza.
Sususpendihin rin ng MPTC ang lahat ng construction sa kahabaan ng mainline road ng NLEX-SCTEX-Cavitex.
Magsisimula ito mula 5 P.M ng October 26 hanggang 9 A.M ng November 5, para hindi makaabala sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga motorista na dadaan sa expressway sa kanilang pag-uwi sa mga probinsya sa Norte.
Sa ‘Safe Trip Mo Sagot Ko Program’ ng MPTC mag-set up sila ng SMSK Motorist Camp, na may libreng tawag, WiFi at tubig na maiinom. Mayroon rin itong basic mechanic services at first aid treatment.
Mayroon rin silang 24 hours free towing services malapit sa mga exit para sa mga class 1 vehicles.