UNDAS 2018 | Paggunita ng Undas, naging mapayapa

78

Naging generally peaceful ang paggunita sa Undas.

Ito ay batay sa pagtaya ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar.


Ayon kay Eleazar, wala silang naitalang untoward incident o krimen na may kinalaman sa paggunita ng Undas.

Pero sabi ni Eleazar, isa ang inaresto matapos makitaan ng baril sa Loyola Memorial Park sa Marikina habang dalawang lalaki ang nakuhaan ng mga sachet ng marijuana sa mga kahiwalay na sementeryo.

Ilan naman aniya sa kanilang mga nakumpiska pa ang mga patalim, armas, speaker at sigarilyo.

Sa ngayon nanatiling naka-deploy ang mahigit 27,000 pulis para tiyakin pa rin na magiging mapayapa ang paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa o All Souls Day.

Facebook Comments