Undas 2018 sa Cagayan Valley, Nananatiling Mapayapa!

6

Hanggang sa ngayon ay mapayapa parin ang mga sementeryo sa lambak ng Cagayan sa paggunita ng Undas 2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Supt. Jose Mario Espino, ang Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2) ay kinumpirma nito na walang anumang related incidents ang naitala base sa kanilang pinakahuling monitoring.

Aniya ay mas tahimik umano ngayon ang paggunita ng Undas dahil hanggang sa mga oras na ito ay wala pang mga naipaparating na insident reports habang nasa mahigit isang libong bilang ng pulis ang inatasan at itinalagang magbantay sa Iba’t Ibang mga sementeryo.

Samantala, sa ngayon ay tuluy-tuloy naman ang panig ng kapulisan sa pagpapatupad ng OPLAN Lakbay Alalay dito sa rehiyon upang tiyakin ang seguridad ng mga kaanak na bumibisita sa kanilang mga yumao.

Facebook Comments