UNDAS | BFP, naka-‘code red’ na

Manila, Philippines – Isinailalim na ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa ‘code red’ o ‘full alert’ ngayong Undas.

Ayon kay BFP Spokesperson Fire Supt. Joanne Vallejo – lahat ng fire stations ay handang tumugon sa anumang untoward incidents.

Sa ilalim ng ‘Oplan Kaluluwa’, ang BFP ay mag-iinspeksyon sa mga bus terminal, pantalan at iba pang lugar para palakasin ang fire safety awareness campaign.


Magtatalaga rin ng fire trucks at ambulances sa mga strategic location.

Magkakaroon din aniya ng motorist assistance sa ilang pangunahing lansangan.

Facebook Comments