UNDAS | DILG iniutos ang full alert sa mga LGUs at mga attached agencies

Inalerto na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan at mga sangay ng gobyerno para matiyak na magiging mapayapa at ligtas ang paggunita ng Undas.

Iniutos ni DILG OIC-Secretary Eduardo Año sa mga LGUs, PNP at BFP na maging mapagbantay sa posibleng pananamantala, mga paglabag sa batas at pag-iral ng krimen at pagsiklab ng sunog habang dagsa ang lahat sa mga sementeryo para bumisita sa kanilang mga namayapa.

Ayon sa DILG chief, dahil sa long weekend ang panahon ng Undas, malamang na magiging pagkakataon ito para sa pamamasyal o bonding ng bawat pamilya.


Pinababantayan ni Año ang mga malls, LRT at MRT stations, mga simbahan at mga national roads patungong mga sementeryo.

Maliban aniya sa pag-deploy ng law enforcers, mga barangay tanods at mga medical personnel, mahalaga rin na may magmintini sa kalinisan ng mga sementeryo bago at pagkatapos ng Undas.

Facebook Comments