UNDAS | Higit 3,000 pulis, ipakakalat sa Metro Manila

Nasa 3,300 na mga pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa Undas.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, ito ay batay sa datos mula sa mga hepe ng iba’t ibang distrito sa Metro Manila.

Aniya, sa kabuuan ay 5,000 personnel kabilang ang mga pulis, mga kawani ng barangay at mga civil volunteer organization ang nakaantabay para sa Undas.


Bukod rito, naka-standby rin aniya ang mga pulis sa iba’t-ibang mga himpilan na handang tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan sa Undas.

Sabi ni Eleazar, sisimulan na nila sa susunod na linggo ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga pamunuan ng mga sementeryo.

Mahigpit din aniya nilang babantayan ang mga terminal ng bus, mga pantalan, istasyon ng tren, pati na rin ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na inaaasahang dadagsain para sa Undas.

Facebook Comments