UNDAS | Mahigpit na pagpapatupad ng solid waste management sa bansa, iginiit ng DENR

Manila, Philippines – Ipinaalala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang solid waste management law sa buong bansa.

Ito ay kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa kanilang yumaong mahal sa buhay sa memorial parks at public cemeteries.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu – kada taon na lamang tuwing Undas ay tone-toneladang basura ang palaging nahahakot sa mga sementeryo.


Kaya dapat nang i-angat ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Parusahan aniya ang mga magkakalat ng basura at patawan ng multa o isailalim sa community service.

Nitong nakaraang taon, higit 5,000 toneladang basura ang nahakot ng MMDA sa anim na public cemetery at memorial park sa Metro Manila.

Facebook Comments