UNDAS | Manila North Cemetery handang-handa na

20

Inihayag ng pamunuan ng Manila North Cemetery Administrator Daniel Dandan Tan na all system go na ito ay matapos ang isinagawa nilang paglilinis sa mga basura at pagtanggal ng mga akyatan sa pader palabas at papasok sa loob ng sementeryo.

Ayon kay Tan kung ano ang naging sistema noong nakaraang taon ganon din ang ipaiiral dinagdagan lamang ng higpit sa seguridad para maprotektahan ang mga publiko naa magtutungo sa Manila North Cemetery.

Paliwanag ni Tan bawal pa rin ang pumasok na nakainum, mayroong dalang alak, ilegal na droga, patalim, baraha at iba pang pinagbabawal tuwing sumasapit ang Undas.

Pinayuhan ni Tan ang publiko na maging vigilante at tiyaking nakasarado ang pintuan ng kanilang bahay upang maging ligtas sa mga masasamang loob ngayon darating na Undas.

Facebook Comments