Davao City – Nananatiling undecided si Davao City Mayor Sara Duterte sa magiging political plans para sa taong 2019.
Ayon kay Mayor Duterte, tinitingnan din kasi niya ang ilang aspeto tulad ng mga magiging kalaban niya, pondo, winnability.
Pero sinabi ng alkalde na bukas siyang tumakbo sa anumang elective posisyon at nagbiro pa na kahit sa pagkabise presidente.
Sa kanila aniyang tradisyon, nagdedesisyon sila kadalasan ilang buwan bago ang eleksyon.
Samantala, dinaluhan ni Mayor Duterte ang pagdinig Commission on Elections (COMELEC) ukol sa ipinarerehistro nilang regional political party na hugpong ng pagbabago.
Sabi ng alkalde, itinatag ang partido para sa security at development ng Davao City.
Dahil dito, pinagsusumite sila ng memorandum sa loob ng limang araw.