Under-22 Azkals, bigong matalo ang Myanmar

Hindi pinagbigyan ng Myanmar na makalusot ang Philippine Men’s Football Team, iskor 2-1.

Aabot lang sa 16 na minuto ang kailangan ng Myanmar para mabasag ang depensa ng under-22 Azkals para makuha ang unang goal.

Itinabla ito ng Pilipinas sa 1-1 nang ihataw ni Justin Baas ang goal sa 44-minute ng first half.


Nagawa muling maka-goal ang Myanmar sa 79th minute.

Makakaharap ng Pilipinas ang Malaysia bukas.

Facebook Comments