Underemployment rate at pagbaba ng kalidad ng trabaho, ikinabahala ng DOLE

Nababahala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagtaas ng underemployment rate at pagbaba ng kalidad ng trabaho sa bansa.

Ito ay kasunod ng resulta ng September 2022 Labor Force Survey (LFS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, target ng DOLE na mabigyan ng full-time, secured, at mapagkakakitaang trabaho ang mga manggagawang Pilipino


Dagdag pa ni Laguesma, ipinag-utos na ni Pangulong Bongbong Marcos ang whole-of-government approach sa paghawak ng mga labor issues, habang ikinokonsidera ang iba pang dahilan na nakakaapekto sa performance ng mga manggagawa, tulad ng inflation.

Pinag-aaralan na rin aniya ang DOLE ang pagpapatupad ng mga simpleng employment rules, accessible labor market information, at school-to-work transition.

Facebook Comments