Underemployment rate, dapat na tutukan ng gobyerno – ECOP

Malaki ang papel na ginagampanan ng patuloy na kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor hind lamang sa pagpapababa ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, sa halip ay maging sa pagbabawas ng underemployment rate sa bansa.

Ito ang pahayag ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz Luis sa Laging Handa briefing, matapos ang naitalang pagbaba ng underemployment rate ng bansa sa 14.2% para sa buwan ng Oktubre, batay sa pag-aaral ng Philippines Statistics Authority (PSA).

Ito ay katumbas ng 6.67 million ng mga kawani na nagnanais na magkaroon ng karagdagang trabaho.


Sinabi ni Luis na kailangang pagtuunan ng pansin ang usaping ito para matugunan ang mismatch sa trabaho.

Facebook Comments