Wednesday, January 14, 2026

Undersecretaries, assistant secretaries at district officials ng DPWH, pinababalasa ng isang senador sa harap ng kontrobersiya sa palpak na flood control projects

Iginiit ni Senador Joseph Victor Ejercito na para hindi na maulit ang katiwalian sa proyekto ng gobyerno tulad ng flood control projects, dapat may managot at makulong.

Ayon kay Ejercito, paulit-ulit na mangyayari ang katiwalian sa flood control projects kung walang makululong at mapapanagot.

Nais din ni Ejercito na mabalasa ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Partikular ang mga undersecretary, assistant secretary at district officials na aniya’y kadalasang sangkot sa mga katiwalian sa proyekto at kasabwat ng mga pulitiko.

Layon aniya nito na mawala familiarity sa mga nakapwestong politiko sa mga distrito.

Inupakan din ng senador ang mga gumagawa ng substandard na government projects, kabilang na ang mga kontratistang gumagawa ng ghost projects.

Facebook Comments