Underspending ng ilang mga ahensya, napuna ng mga senador sa budget briefing

Ilang senador ang sinita ang underspending o maliit na paggastos ng ilang malalaking ahensya ng gobyerno dahilan kaya hindi nagagawa ang mga nakaplanong programa at proyekto na nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya.

Ito ang napuna nina Senators Nancy Binay at Sherwin Gatchalian sa gitna ng budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado.

Ayon kay Gatchalian, tinaasan ng economic team ang budget ng mga ahensya ng gobyerno para sa taong 2024 pero hindi makatwiran na taasan din ang pondo ng mga ahensyang may record ng underspending.


Hiningi ng mga senador ang catch up plan o paano hahabulin ng mga ahensya ng gobyerno ang paggugol sa kanilang mga nakalinyang proyekto.

Inamin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mga ahensya na nangunguna sa underspending;

– Department of Information and Communications Technology (DITC)
– Department of Migrant Workers (DMW)
– Commission on Elections (COMELEC)
– Department of Agrarian Reform (DAR)
– Department of Social Welfare and Development (DSWD)
– Department of Energy (DOE)
– Office of the Press Secretary
– Department of Tourism (DOT)

Magkagayunman, natukoy na ang dahilan ng underspending ng mga ahensya ay dahil inaaral pa ito ng mga bagong opisyal, at bineberipika pa ang mga bibigyan ng ayuda ng DSWD at Department of Labor and Employment (DOLE).

Samantala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ay natatagalan sa pagbili ng pagtatayuan ng proyekto at sa isyu ng right of way at may mga suppliers at creditors na matagal dumating ang billing.

Facebook Comments