Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso matapos sabihin ng ilang mambabatas na may underspending ang pamahalaan sa pondong inilaan para sa COVID-19 response.
Matatandaang napuna ng ilang senador na may mga hindi nagamit na pondo para sa pandemic response efforts ng pamahalaan.
Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), pinatutsadahan ng pangulo ang mga mambabatas at iginiit na sila ang hindi nakikinig.
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa isang porsyento lamang ng pondo ang aktwal na nailabas.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na ang tinutukoy ng mga mababatas na underspending ay ₱6 billion.
Aabot na sa 660 billion pesos ang nailabas.
Pagtitiyak ni Dominguez na ang mailalabas ang anim na bilyong piso at inaalaam na nila kung saan napunta ito.