Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na wala ng underspending o pagtitipid sa ilalim ng Duterte administration ngayong taon lalo na sa 2018.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, hindi na mangyayari ang underspending dahil sa katunayan ay 40.98% na ng 2017 budget ang nagagastos na ng gobyerno.
Dagdag pa ni Nograles, siniguro na ng DBM na magugugol ng administrasyon ang buong 2017 budget sa pagtatapos ng taon.
Itinuturing na malaking kasalanan para sa Ehekutibo kung may matitirang unobligated funds sa pambansang pondo.
Samantala, hanggang ngayon ay hinihintay pa ng Kamara kung magkano ang kakailanganin para sa libreng matrikula sa kolehiyo sa susunod na taon.
Iginiit ni Nograles na determinado ang Kamara na hanapan ng pondo ang free higher education para sa 2018 bago ito maipasa sa Senado.
Ilang ahensya na ang tinarget ng Kamara na pagkuhaan ng pondo partikular ang mga underperforming at underspending government agencies.