Underwater situation ng Manila Bay, ipinakita

Manila, Philippines – Ipinakita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sitwasyon sa ilalim ng tubig ng Manila Bay.

Ayon kay MMDA Spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago – ang kanilang mga diver ay sumisid sa maruming tubig ng look at kinuhanan ng video.

Aniya, manila-nilaw o yellowish ang tubig hanggang sa ika-pitong talampakang lalim ng Manila Bay.


Pagdating ng 12-feet ay puro burak na ang sasalubong.

Sinabi ni Pialago – pagdating ng tag-ulan at high tide, lahat ng mga basura at burak ay aangat at babalik ito sa pampang.

Ang coliform level ng Manila Bay ay nasa 330 million mpn o most probable number per 100 milliliters.

Mataas kumpara sa safe level na nasa 100 mpn per 100 ml.

Sa ngayon, nagsasagawa na ang MMDA ng dredging para maiwasang dumaloy pa ang mga dumi patungong Manila Bay.

Facebook Comments