Muling sumabog ang underwater volcano sa isla ng Tonga ayon sa isang Darwin-based monitoring station.
Kasunod ito ng unang pagsabog ng naturang underwater volcano na nagdulot ng tsunami waves sa Pacific Region dalawang araw ang nakalilipas.
Ayon sa Pacific Tsunami Warning Centre, bagama’t nakapagtala sila ng malalaking alon sa lugar, wala silang naitalang lindol na kayang gumawa ng naturang alon.
Samantala, humihingi na ng agarang tulong tulad ng pagkain at tubig ang mga residente ng Tonga habang inaalam pa ang halaga ng pinsalang dinulot ng pagsabog.
Ang pagsabog ng naturang underwater volcano noong Sabado ay sinasabing pinakamalakas na naitala matapos ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Facebook Comments