Nagbabala ang North Korea na mahaharap ang Estados Unidos sa “hindi kanais-nais na kalalabasan” kung mabigo itong magprisinta ng bagong katayuan sa denuclearization talks sa katapusan ng taon.
Si North Korean Leader Kim Jong Un, ay nagtakda ng year-end deadline para magpakita ang Amerika ng flexibility matapos mabigo si US President Donald Trump na makabuo ng kasunduan na tatapos sa Nuclear Program ng Pyongyang.
Ayon kay North Korean Vice Foreign Minister Choe Son Hui, maaaring magbago ng landas ang US sakaling pumalpak ang negotiation.
Pero giit din ng Ministro na pwede rin nilang gawin ito dahil hindi lang ang Amerika ang mayroong ganitong pribilehiyo.
Tiniyak naman ng North Korea na hindi nagbabago ang kanilang determinasyon sila sa denuclearization.
Una nang sinabi ni Trump na bukas (open) siya sa ikatlong summit kasama si Kim pero binigyang diin niya na mananatili ang sanction na ipinataw sa North Korea.