Undistributed textbooks at kwestyunableng kontrata ng DepEd, sisilipin ng Makabayan sa Kamara

Manila, Philippines – Paiimbestigahan ng Makabayan bloc ang ulat na hindi naipamahaging mga textbooks at mga kwestyunableng textbook contracts ng Department of Education (DepEd).

Batay sa COA report, natuklasan na mayroong P254 million na halaga ng kwestyunableng textbook contracts at P113.7 million undistributed books ang DepEd.

Giit ni ACT Teachers Representative France Castro, madalas na ang mga guro pa ang nagpapaluwal ng sariling pera para lamang matugunan ang mga pagkukulang at requirements na kinakailangan sa pagtuturo.


Maging ang mga estudyante ay nagpapa-photocopy pa dahil sa kulang ang mga libro sa paaralan.

Ayon kay Castro, maghahain sila ng resolusyon para siyasatin ang ulat ng COA tungkol sa iregularidad sa textbook distribution at contracts na pinasok ng DepEd.

Tiniyak ng lady solon na irerekomenda ang pagpaparusa sa mga nasa likod ng anomalya at mahigpit na pagbusisi sa 2020 budget ng DepEd sa oras na umpisahan ang budget briefing.

Facebook Comments