Anim pang mga batang Pilipino na undocumented ang napauwi ng Pilipinas ng Philippine Embassy sa Manama, Bahrain.
Ito ay bahagi ng Oplan Kabataan Program kung saan tinutulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makauwi ng bansa ang undocumented Pinoy children sa Bahrain.
Pinakabatang napauwi ay tatlong buwang gulang habang ang pinakamatanda ay halos anim na taong gulang.
Ang Philippine Embassy ang siyang nagproseso sa kanilang mga dokumento at exit clearances mula sa Bahrain authorities.
Umaabot na rin sa 22 mga batang Pinoy ang naisailalim ng Embahada sa DNA testing kung saan 10 sa kanila ang nai-repatriate na kasama ang pitong mga magulang.
Facebook Comments