Undocumented OFWs sa Afghanistan, tutulungan pa rin ng pamahalaan pagdating sa Pilipinas

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bibigyan nila ng kaukulang tulong ang lahat ng uuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Afghanistan kabilang na ang undocumented.

Ito ay matapos makumpirma ng OWWA na karamihan sa OFWs sa Afghanistan ay undocumented.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy sa Pakistan sa iba pang foreign service post ng Embahada ng Pilipinas para matiyak ang maayos at ligtas na dadaanan sa paglikas sa mga Pinoy mula Afghanistan.


Sa ngayon ay wala pang linaw kung kailan matutuloy ang flight ng Philippine Airlines patungo ng Kabul dahil sa pagdagsa ng maraming Afghan sa Tarmac ng paliparan.

Facebook Comments