Undocumented OFWs sa Libya, hinihikayat din ng Philippine Embassy na magparehistro sa kanila sa harap ng kaguluhan sa nasabing bansa

Hinihimok na rin ng Philippine Embassy sa Libya ang undocumented Filipino workers doon na magparehistro sa embahada.

Ayon sa embahada, kailangan din sa mapping nila ang mga Pinoy sa Libya na hindi dokumentado.

Ito ay bilang bahagi ng contingency plan ng Philippine Embassy sa harap ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Libya.


Ang registration at mapping sa mga Pilipino sa Libya ay ginagawa ng embahada sa pamamagitan ng online.

Nananatili pa rin kasi ang tensyon ngayon sa Zawiya District at mga karatig na lugar sa Libya.

Facebook Comments