Undocumented OFWs sa Malaysia, hinimok na umuwi na ng Pilipinas sa harap ng COVID surge doon

Hinimok na rin ni Labor Attache’ Johnson Cañete ng POLO Malaysia, ang undocumented Filipino workers doon na umuwi na muna ng Pilipinas.

Sa harap na rin ito ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Sa virtual press briefing ng Labor Department, sinabi ni Cañete na maaaring sumama sa repatriation flights ng pamahalaan kahit ang undocumented OFWs.


Aniya, handa silang i-assist ang undocumented Pinoy workers sa Malaysia para sa kanilang travel requirements pabalik ng Pilipinas.

Hinimok din ni Cañete ang undocumented OFWs sa Malaysia na mag-avail ng vaccination program ng Malaysian government.

Samantala, kinumpirma naman ni Cañete na nananatiling walang Pilipinong nai-infect ng COVID-19 sa Laos.

Facebook Comments